De Ocampo lider sa karera ng MVP para sa Sunkist-PBL 2003 Unity
April 17, 2003 | 12:00am
Sundan kaya ni Ranidel de Ocampo ang yapak ng kanyang kapatid na si Yancy bilang isa sa greatest PBL players ng 20 Years and Beyond?
Bagamat patuloy pa rin ang Sunkist-PBL 2003 Unity Cup, ang 65 na manlalaro ng John-O ay may malakas na senyales para sa Most Valuable Player award.
Sa kasalukuyan si de Ocampo ay nangunguna sa karera sa kanyang
189 points matapos kumuha ng 129 points sa statistics at 60 points sa won games.
Siya rin ang ikaapat na pinakamahusay sa scoring sa average na 15.6 points bawat laro, 4th sa rebound na may 8.6 at 7th sa mga three-pointers na may mataas na 46 percent.
Nakadikit naman sa ikalawang puwesto si Rich Alvarez ng Hapee na may 184 points mula sa 109 statistical points at 75 sa won games.
Ngunit kung may malakas na banta ito ay magmumula kay Nelbert Omolon ng Nutri-licious na may 181 points sa statistics. Ang 63 na si Omolon ang No.1 league scorer sa kanyang 19.4 points, No. 1 sa blocks sa 2.8, pinakamahusay sa field goals sa 66 percent (33-of-50) at 7th sa rebound na may 7.6.
Umagaw din ng atensiyon si Peter June Simon ng Hapee na may magandang kontri-busyon para sa Teeth Sparklers.
Si Simon ay may isang puntos na agwat kay Omolon sa kanyang 180. Panglima din siya sa scoring sa 14.4 bukod pa sa average na 3.3 rebounds per game.
Isa pang hinuhubog na dominanteng sentro ay si Irvin Sotto ng Nutri-licious. Ang 67 na si Sotto ay 5th overall sa kanyang 179, ikatlo sa scoring sa 17.4, no. 1 sa rebounds sa 11.4 at 2nd sa shot blocks sa 1.6 bukod sa 2.8 assists per game.
Kukumpleto naman sa top 10 contenders ay sina Ricky Calimag ng John-O (159 SPs), Allan Salangsang ng Hapee (156 SPs), Tristan Codamon ng Blu Star (146 SPs) at Jason Misolas at Francis Gerard Jones ng Viva Mineral Water na may 140 SPs

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 25, 2024 - 12:00am