Agad na ninombrahan ni PSC Chairman Eric Buhain na ipamahagi ang pondo sa ibat ibang regional delegations na kasalukuyan ng nagpe-prepara para sa Palaro kung saan hindi baba sa 5,000 student-athletes ang inaasahang lalahok dito.
Ipinalabas na rin ng Pangulong Arroyo ang P30 milyong budget para sa nasabing Palaro bukod pa ang P10 milyon na inaprobahan ng Congress sa pamamagitan ng General Appropriations Act.
Ayon kay Buhain, bibig-yan ng prayoridad ang mga kalahok na mag-aaral na kabataan na tutungo sa Mindanao mula sa buong panig ng bansa na pawang iisa ang inaasam ang maging susunod na athletic superstars ng bansa.