^

PSN Palaro

Palarong Pambansa wala nang sagabal

-
Inaasahang wala ng magiging sagabal para sa nalalapit na 2003 Palarong Pambansa ngayong Mayo 4-11 makaraan ang mga opisyales ng Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Education (DepEd) ay nagkasundo sa isang agreement para sa ikatatagumpay ng nasabing games sa Mindanao Sports and Civic Center sa Tubod, Lanao del Norte.

"All Systems are go. Preparations have been in high gear the past two months and all the various committees have already been set up and are in place," wika ni PSC chairman Eric Buhain.

Sinabi rin ni Buhain nakasaad din sa memorandum circular mula kay Education secretary Edilberto de Jesus na hinihikayat nila ang lahat ng DepEd regional offices na magbigay ng kani-kanilang buong suporta sa likod ng Palaro na inaasahang lumabas kahapon.

"Secretary de Jesus is 100 percent behind the Palaro’s success. Everything is in place, including security measures committed by the Philippine National Police, Armed Forces, Lanao del Norte citizenry and even the MILF to ensure the success of the Palaro," ani pa ni Buhain.

Inihayag din ni Buhain na ang logistical requirements ay mabilis na lumalakad sa pinakamalaking athletic talent search ng bansa na inaasahang magpapamalas ang hindi bababa sa 5,000 student-athletes.

Maliban sa National Capital Region at Region 7 (Western Visayas), 14 regionals sa buong bansa ang nagsumite na ng kani-kanilang lahok kung saan pinayagan sila ng kani-kanilang mga magulang na sumali sa Palaro.

Ipinalabas na rin ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang P30 milyon mula sa Presidential Social Fund sa pamamagitan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation bilang karagdagan sa P10 milyon na inaprobahang budget ng General Appropriations Fund para sa games.

Magiging punong abala ang P500 milyon 18-hektaryang Mindanao Sports and Civic Center sa Tubod sa ilang regional meets gaya ng 1st Mindanao Friendship Games, PSC Top Start program, DepEd CMRAA regional games at Kasibulan Football for Peace.

vuukle comment

ALL SYSTEMS

ARMED FORCES

BUHAIN

DEPARTMENT OF EDUCATION

ERIC BUHAIN

GENERAL APPROPRIATIONS FUND

KASIBULAN FOOTBALL

LANAO

MINDANAO SPORTS AND CIVIC CENTER

PALARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with