^

PSN Palaro

Sosyo sa liderato nais ng John-O

-
Pakikisosyo sa liderato ang tangka ngayon ng John-O sa kanilang nakatakdang pakikipag-duwelo sa ICTSI sa pagpapatuloy ng Sunkist-PBL 2003 Unity Cup sa Makati Coliseum.

Nakatakda ang sagupaan ng John-O at ICTSI sa alas-5 ng hapon na isa lamang sa nakatakdang triple-header sa PBL bago magbakasyon ang liga bilang pagbibigay daan sa Semana Santa.

Umaasa naman ang Blu at Welcoat mula sa nakakadismayang pagkatalo sa kanilang pakikipaglaban sa magkahiwalay na sagupaan.

Kasalukuyang hawak ng Detergent Kings ang 3-2 kartada kung saan sisikapin nilang mapaganda ito sa kanilang pakikipagtipan laban sa Montana Jewelers sa alas-3 ng hapon.

Sisikapin naman ng Paint Masters na makaahon mula sa kanilang apat na pagkatalo sa pakikipagbangga nito sa Nutri-licious sa ala-1.

Ang sagupaan sa pagitan ng Welcoat at Nutri-licious at ang engkuwentro ng Montana at Blu ay ipalalabas ng delayed sa Solar Sports mula alas-4-8 ng gabi, habang ang main encounter sa pagitan ng ICTSI at John-O ay ipalalabas naman sa NBN mula alas-10 ng gabi hanggang alas-12 ng gabi.

vuukle comment

BLU

DETERGENT KINGS

JOHN-O

MAKATI COLISEUM

MONTANA JEWELERS

NUTRI

PAINT MASTERS

SEMANA SANTA

SOLAR SPORTS

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with