Buenavista, Balauitan inaasahang hahataw
April 15, 2003 | 12:00am
Kapwa ipamamalas ng kasalukuyang SEA Games double gold medalist na sina Eduardo Vertex Buenavista at Asian championships bronze medalist winner Lerma Bulauitan-Gabito ang kani-kanilang porma na nagputong sa kanila ng karangalan sa pagbubukas ng Milo National Open Track and Field Championships sa May 1-4 sa Rizal Memorial track oval.
Tanging 44 events-minus ang mens at womens marathon ang na-kalinya sa apat na araw na tournament kung saan ang 14-Asian countries, siyam dito ay mula sa southeast region ang inanyayahan upang sumali sa nasabing tournament.
Dinomina ng five-foot na si Buenavista, mula sa municipality ng Sto. Niño, South Cotabato ang 3,000m steeplechase sa 2001 Kuala Lumpur biennial games at dagdag pa rito ang 5,000m title na kanyang iniuwi sa bansa, habang nakopo naman ni Bulauitan, ang kasalukuyang long jump queen ng bansa ang silver sa kanyang paboritong event.
Umaasa rin ang Cagayan-born na si Bulauitan na makakatapos ng una sa sprinters sa kanyang paglahok sa century dash.
Makakasama niya ang 29 iba pang atleta na kasapi sa National team A, B at C at ang 16 na iba pa mula sa training pool na magtatangka rin na makakuha ng slot para sa susunod na SEA Games na iho-host ng Vietnam ngayong Disyembre.
"Actually this will really be the most stringent test for those aspiring to be members of the athletics team. This will be just the first performance trial on the run-up to the SEA Games," ani organizing PATAFA president Go Teng Kok.
Nagkumpirma na ng paglahok ang Thailand at Malaysia, habang itinakda ang huling araw ng pagpapatala sa Abril 28.
Ang formidable Thais ang siyang overall SEA Games champions at may hawak rin ng record sa Asian Games 4x100m relay.
Labing-isang golds kabilang ang kay Buenavista na dalawa ang inangkin ng Filipinos sa nakaraang SEA Games sa Malaysia.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended