6 pribadong kompanya susuporta sa Tour Pilipinas 2003

Anim na kompanya-Bowling Gold, Tanduay, PLDT NDD, Gilbeys Island Punch, Samsung at Intel ang pumayag na maging sponsor teams na tatakbo sa Tour Pilipinas 2003.

Bunga nito ang suporta ng mga nabanggit na kompanya ay akma lamang sa layunin ng tour organizers na makitang nagtutulungan ang mga pribado at pampublikong ahensiya na maiangat ang sports sa ating bansa.

Sa parte ng pamahalaan sa karera na nakatakdang magsimula sa Abril 24 at magtatapos sa Mayo 11, ang mga susuporta ay ang Drug Busters at Patrol 117 ng DILG, Ecosavers ng DENR, Postmen ng DOTC at VAT Riders ng BIR.

Ang government teams ay dadalhin ang monickers na naghahayag sa kani-kanilang programa.

Ang 12th team ay tatawaging Newsboys, na ayon kay Tour chairman Bert Lina ay makikipagkarera sa karangalan ng maraming siklista na naging bahagi ng buhay nila ang pagdedeliver ng newspapers ng nakabisikleta.

Ang Tour na tatakbuhin sa loob ng 18 araw ay kapapalooban ng 15 yugto ng may mahigit na 2,460kms.

May 100 vehicle tour caravan na binubuo ng 500 officials at personnel ang magsisimulang maglalakbay patu-ngong south sa Legaspi City sa madaling araw ng Abril 24 ang kickoff leg ng naturang karera, ayon kay Paquito Rivas, head ng race management group Philippine National Cycling Association.

May nakalaang P1 million ang tatangapin ng top team at P200,000 sa individual classification. May kabuuang P3 million ang cash prizes.

Show comments