Pinangunahan nina Mage Wagan at Rizza Desiree Gracia, kapwa 12-anyos ang hoop, ball, rope at individual all-around events sa category 1 Level 2-B o Advance Group at category 1 Level 1 o Novice Group, ayon sa pagkakasunod ng Rhythmic Gymnastics competition.
Sa category 1 Level 2-A Beginners Group, winalis rin ni Rachelyn Astillar ng Bo. Obrero Elementary School ang apat na golds sa hoop, ball, rope at individual all-around, habang nakisosyo rin si Bleau Berry ng Jose Abad Santos High School sa tatlong unang quadruple gold medal winners nang magwagi sa all-events sa category 2 Level 2 o Advance Group.
Umumit naman ang District 1 at District 5 ng tig-dalawang golds sa anim na gold medals na nakataya sa chess competition na ginanap sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Iniuwi ng magkapatid na Jude at Emil Fronda at Jan Jodilyn Fronda ang dalawang ginto sa District 1 makaraang manalo sa boys 12 and under at girls 10 years and under, ayon sa pagkakasunod.
Nagwagi naman ng gold para sa District 5 sina Lehi Dan Stephen Laceste ng Paco at Kathleen Ann Mendoza ng Sta. Cruz, kapwa 12-anyos nang kanilang dominahin ang girls 15 and under at girls 12 and under sa 5-round Swiss event.