^

PSN Palaro

Pataasan ng...

GAME NA! - Bill Velasco -
Ang scouting na siguro ang napabayaang aspeto ng sports sa ating bansa. Sa tutoo lang, maraming pagkakataon na napapasabak sa labanan ang mga atleta natin na walang ideya kung ano ang stratehiya ng makakalaban nila.

Katunayan, ilang ulit nang sumampa sa lonang parisukat ang mga boksingero natin na hindi man lang napapanood sa video ang kanilang makakasagupa.

Pero unti-unti nang nagbabago ang eksena. Nauna na ang basketbol sa ibang sport. Maraming scout ang naghahanap-buhay ngayon sa PBA, at walang-sawang pinapanood ang mga makakalaban nila sa hinaharap. Sa ibang sport, malabo pang mangyari ito dahil sa mahihigpit na budget, at kamahalan ng pagbiyahe.

Pero may bagong programang inilulunsad ang Burlington. Tinawag nila itong "Tuklas-Taas." Balak nitong hanapin sa buong bansa ang mga matatangkad na kabataan upang magsilbing miyembro ng Philippine Youth basketball team sa mga susunod na taon.

"Ito siguro ang unang pagkakataong magkakaroon ng try-outs sa buong bansa," paliwanag ni Ruddy Tan, general manager ng Burlington. "Labinlimang rehiyon ang pagsisimulan namin para mahanap ang magagaling at matataas na player natin."

Hindi lahat ng manlalaro ay magmumula sa mga paaralan. May puwang din para sa mga out-of-school youth. Baka mas mainam pa nga iyon, dahil madalas mawala sa RP team ang mga bata pag kailangan na sila ng eskuwelahan nila.

Ito ang nangyari sa Youth team natin noong nakaraang taon. Nang ilipat ang junior SEABA mula Hunyo hanggang Hulyo, di na nakapaglaro ang marami sa inaasahang player. Nangulelat tuloy tayo.

Gagantimpalaan naman ang mga paaralan o pamayanang pagmumulan ng mga player na makukuha. P20,000 halaga ng sports equipment ang ibibigay, bukod sa mga scholarship na makukuha ng manlalaro mismo.

"Dalawang grupo ang tuturuan namin, para hindi mabakante ang team," dagdag ni Teddy Pereña ng nag-oorganisang T.E.A.M., "dahil ang iba sa kanila'y papatak siguro ng 18, at maaaring mawala na sa amin. Kailangan may kasunod kaagad."

Ang kagandahan nito'y makakatulong din ito sa ibang sport. Kung may atletang lumapit na hindi babagay sa basketbol, o kaya'y mas angkop na maglaro ng ibang sport, mala-laman kaagad.

Nawa'y tumulong ang Philippine Sports Commission upang palawakin pa ang ‘Tuklas-Taas’, para makinabang na rin ang ibang sport. Kung hindi, mabubulok lang lalo ang sports sa ating bansa.

BURLINGTON

PERO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PHILIPPINE YOUTH

RUDDY TAN

TEDDY PERE

TUKLAS-TAAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with