^

PSN Palaro

5th win tinungga ng Coke

-
Nagbalik ang defending champion Coca-Cola Tigers sa tamang landas para sa pagdedepensa ng kanilang titulo nang pabagsakin nila ang Talk N Text Phone Pals, 79-78 sa Samsung-PBA All-Filipino Cup na dumayo sa Bren Guiao Sports Complex sa San Fernando, Pampanga.

Nakawalong puntos lamang si Rafi Reavis ngunit naging all-around player ito sa kanyang naitalang dalawang blocks, apat na assists at pitong rebounds para sa Tigers na nakabangon mula sa apat na sunod na kabiguan at iangat ang record sa 5-4 sa Group B.

Napiling best player si Reavis dahil sa kanyang krusiyal na rebound mula sa nagmintis na basket ng kasamahang si William Antonio para maipreserba ng Tigers ang posesyon.

Napiliting humugot ng foul ang Phone Pals na pansamantalang ginigiyahan ni Joel Banal dahil sa biglaang pag-alis ng Amerikanong coach na si Paul Woolpert, na nagdala kay Jeffrey Cariaso sa free-throw line.

Bumawi si Cariaso sa kanyang naunang dalawang sablay na free-throws nang kanyang ipasok ang dalawang penalty shots na naglagay sa Tigers sa maalwang na 79-75 kalamangan, 7 segundo na ang nalalabing oras.

Samantala, hangad ng Purefoods at Ginebra na makaahon sa ilalim ng standings ng kani-kanilang grupo sa pakikipagharap sa mga group leaders ngayon sa Araneta Coliseum.

Makakaharap ng Ginebra, pangalawa sa huli ng Group B ang No.1 team ng kanilang grupo na Batang Red Bull sa pambungad na laban sa alas-4:00 ng hapon.

Ang Group A leader na Alaska naman ang makakalaban ng Purefoods sa alas-6:30 ng gabi na siyang main game.

Pareho namang nais ng Thunder at Aces na maipagpatuloy ang kani-kanilang winning streaks.

Ang Alaska ay may tatlong sunod na panalo na nagdala sa kanila sa 7-3 record habang ang Red Bull naman ang pinakamainit na koponan sa lahat ng 10 teams sa kanilang pitong sunod na panalo.(Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

ALL-FILIPINO CUP

ANG ALASKA

ANG GROUP A

ARANETA COLISEUM

BATANG RED BULL

BREN GUIAO SPORTS COMPLEX

COCA-COLA TIGERS

GINEBRA

GROUP B

JEFFREY CARIASO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with