Red Cubs kampeon sa Sunkist Youth Cagefest
April 12, 2003 | 12:00am
Ipinakita ng San Beda College na mas angat ang supremidad ng NCAA kumpara sa UAAP nang kanilang pabagsakin ang University of the Philippines Integrated School, 61-56 kahapon upang isubi ang korona ng Sunkist Youth Basketball Championship sa Makati Coliseum.
Nagtala ang 6-foot-4 na si Cliford Arao ng double-double performance nang humatak ito ng game-high 23 puntos bukod pa sa 13 rebounds para sa Red Cubs na gumawa ng malakas na pagbangon sa huling maiinit na bahagi ng laro.
Bukod sa gold medals ng Red Cubs at tropeo para sa paaralan, nagbulsa rin ang Bedans ng P75,000 prize money mula sa Pagcor na gagamitin ng paaralan para sa athletic program habang P50,000 naman ang sa UPIS sa tournament na ito na inorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.
Samantala, ipalalabas ngayong alas-2 ng hapon ang sagupaan para sa third place sa pagitan ng San Sebastian at Faith Academy, habang ang championship game ng UPIS at SBC ay ipalalabas naman ng alas-9 ng gabi sa NBN-4.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended