Aurora bagong hari sa athletics sa MYG

Tuluyan nang tinanggalan ng bagitong Aurora Quezon Elementary School sa Malate ng korona ang Dr. Albert Elementary School sa Sampaloc nang tanghaling athletic champion sa Manila Youth Games sa paghakot ng 17 gintong medalya kahapon sa third at huling araw ng athletics kompetisyon ng 2nd MYG sa Rizal Memorial Track and Football field.

Pinangunahan nina Analyn Ricalde, kumubra ng 5 golds kasama si Albert ES Joy Regillas at Philippine Christian University’s Antonio Mendenilla ang kampanya ng Aurora sa final na araw ng athletics event nang dominahin nito ang girls 13-15 100m run bago trang-kuhan ang kanyang paaralan sa team 4x100 at 4x400m relay finals.

Ang 13-gulang rin na si Ricalde ang isa sa maagang double gold medal winners sa meet na ito makaraang pangunahan ang girls 400m at 800m run sa unang dalawang araw ng kompetisyon.

Winalis rin ni Regillas, kinoronahan ang kanyang sarili bilang pinaka-mabilis na babae ang lahat ng sprint events na kinabibilangan ng 50m, 100m at 200m dash kung saan ang huling dalawang ginto na kanyang isinubi ay sa girls 12 under at sa 4x100m relay.

Sa kabila nito, kumulekta naman si Mendenilla ng limang golds sa boys 13-15 100m, 200m, 400m, long jump at 4x100m relay.

Kinoronahan din ang teammate ni Regillas na si Darryl Ceballos, isa ring first timer sa MYG ang kanyang sarili bilang pinakamabilis na lalaki sa meet makaraang pangunahan ang lahat ng sprint event sa boys 12 and under division kung saan mayroon rin siyang iba pang apat na medalya.

Tumapos naman ang Albert ng 14 gold medals sa isang linggong meet na ito.

Show comments