^

PSN Palaro

Albert, PCU humakot ng golds sa MYG

-
Kapwa kumuha ang defending champion Albert Elementary School at Philippine Christian University ng tig-dalawang gintong medalya kahapon sa ikalawang araw ng kompetisyon sa athletics ng 2nd Manila Youth Games sa Rizal Memorial Track and Football field.

Matapos ang kanilang unang isinubing tatlong gold noong Miyerkules, kumulekta ang Albert ng dalawang ginto upang tapatan ang limang gintong produksiyon ng bagitong Aurora Quezon Elementary School.

Ibinigay ng 12-anyos na si Daryl Ceballos at Angelica Tiguer ang dalawang iba pang gold ng Albert ES nang kanilang pangunahan ang boys 12 and under 100 meter dash at girls 13-15 high jump finals kahapon.

Nagtala si Ceballos ng 13.42 segundo upang magwagi ng gold sa kanyang unang appearance sa MYG, habang nilinis naman ni Tiguer ang bar sa itinalang 1.28 metro para sa ikalimang ginto ng kanilang paara-lan.

Tinanghal naman ang 15-gulang na si Mendenilla, gold medalist sa NCAA at nag-iisang gold medal winner para sa PCU noong Miyerkules sa long jump bilang kauna-unahang double gold medalist sa athletics matapos na manalo ng kanyang ikalawang gold sa boys 15 and under 100m dash sa tiyempong 12.05 segundo, habang napasakamay ng 14-gulang na si Banan, silver medalist sa NCAA athletics ang gold sa boys 13-15 triple jump sa kanyang tinalon na 11.50m.

Isinalba naman ni Kristine Marie Cabrera ang kampanya ng Aurora nang ibulsa nito ang gold sa girls 15 and under 100m dash sa kanyang tiyempong 15:01.08 segundo.

Gaya ng dapat asahan, kinamada ng Manila Seahawks Swimming Team ang overall championships sa novice class nang kanilang dominahin ang swimming event sa sinisid na 12 ginto mula sa 40 nakataya.

ALBERT ELEMENTARY SCHOOL

ANGELICA TIGUER

AURORA QUEZON ELEMENTARY SCHOOL

DARYL CEBALLOS

GOLD

KRISTINE MARIE CABRERA

MANILA SEAHAWKS SWIMMING TEAM

MANILA YOUTH GAMES

MIYERKULES

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with