^

PSN Palaro

Clinic ng Walang Sakit

GAME NA! - Bill Velasco -
Aakalain mong napakarami ng doktor sa Pilipinas sa dami ng clinic ngayong tag-init. Pero ang mga clinic na ito ay hindi para sa may sakit. Pawang mga sports clinic ang nagsusulputan ngayong summer.

Kung naghahanap kayo ng maaaring gawin ng inyong anak ngayong bakasyon (at para hindi sila nakababad sa bahay o TV at kain lang ng kain), narito ang ilang mairerekomenda naming sports camp.

Kung tennis o swimming ang hilig ninyo, naririyan ang Fil-Estate Sports Foundation. Sila ang nagpatalas sa serve ni Joseph Victorino, na ngayo'y numero uno sa bansa at naging kampeon ng National Open, PCA Open at Philta Open. Dalawa ang pagpipilian ninyong lugar, ang Manila Southwoods Golf and Country Club sa Carmona, Cavite, o ang Bramante Piazza sa Meralco Avenue (katabi ng PhilSports). Coach ng mga tennis camp si Davis Cup captain Manny Tecson. Ang babayaran ay P 2,500 sa beginners at P 3,000 para sa intermediate. Ganoon din ang babayaran para sa swimming lessons. Maaari kayong tumawag sa 0917-8981516 o 638-2249.

Kung basketbol naman ang habol ninyo, hindi kayo mauubusan ng pagpipilian.

Magkakaroon ng advanced training si Norman Black para sa mga kabataang 12 hanggang 18 taong gulang. Ang "Basketball Skills Camp with Norman Black" ay gaganapin sa RFM Gym sa Mandaluyong simula May 13 hanggang 31. Makakasama ni Norman ang mga dating national coach na sina Boysie Zamar at Francis Rodriguez, Kirk Collier (trainer ng Batang Red Bull), Eric Reyes at Beuging Acot. Sa piling mga araw, magtuturo rin sina Samboy Lim, Jeff Cariaso, Bobby Parks, Hector Calma, Chito Loyzaga at Biboy Ravanes. Maaari kayong tumawag sa 894-3576 o 894-3014.

Maging si Jojo Lastimosa ay may basketball clinic din sa Ateneo de Manila campus. Ang bagong tatag na San Miguel Corporation North at South All-Stars naman ay dadayo sa Pampanga para magturo, at maglalaro sila sa Sabado sa Bren Guiao Convention Center sa San Fernando bago mag-PBA.

At kung ayaw naman ninyong magpawis, manood na lang kayo ng basketbol sa TV, sa programang The Basketball Show tuwing Sabado, alas 4 ng hapon sa IBC-13.

Napapanood na rin ito ng mga kamag-anak natin sa North America at Middle East sa Pinoy Central TV.

BASKETBALL SHOW

BASKETBALL SKILLS CAMP

BATANG RED BULL

BEUGING ACOT

BIBOY RAVANES

BOBBY PARKS

BOYSIE ZAMAR

BRAMANTE PIAZZA

BREN GUIAO CONVENTION CENTER

NORMAN BLACK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with