Programa ng PSC inilunsad
April 10, 2003 | 12:00am
Mahigit sa 300 sports at local government leaders ang nagbigay ng kani-kanilang go-signal para sa Philippine Sports Commissions 2003 Programs, Projects and Activities na inilunsad noong Martes sa Grand Boulevard Hotel.
Iprinisinta ni Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain ang programa ng ahensiya sa pagdalo ng mga kinatawan mula sa local Government units, Department of Education, Commission on Higher Education, Department of Interior and Local Government, National Sports Association at non-government organizations.
Kabilang sa mga prayoridad ng proyekto ni Buhain ay ang layunin nito para sa grassroots sports development kung saan ipina-ngalandakan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ito ang isang importanteng sasakyan para sa pagtatatag ng kanyang Strong Republic campaign.
Iprinisinta rin ni Buhain ang Strategic Plan For Philippine Sports at ipinahayag din nito ang pagdaraos ng First Philippine National Championships, ang culminating event para sa First Luzon and Visayas Games at ang Third Mindanao Friendship Games. At sa kabila ng pagtapyas ng budget, itutuloy pa rin ni Buhain ang pagdaraos ng Philippine National Youth Games--Batang Pinoy at Palarong Pambansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended