^

PSN Palaro

Sunkist-PBL 2003 Unity Cup mas maaga nang lalaruin

-
Simula ngayon, lalaruin na ng maaga ang mga nakatakdang games ng Philippine Basketball League upang mahikayat ang mas marami pang mga kabataan na masangkot sa sports ngayong tag-init sa pamamagitan ng PBL.

Sisimulan na ngayong alas-2 ng hapon ang nakatakdang engkuwentro sa Sunkist-PBL Unity Cup kung saan tampok ang sagupaan sa pagitan ng LBC-Batangas at ng Viva Mineral Water, habang susunod naman ang pagtitipan ng Challenge Cup champion Welcoat at ang Montana Jewels sa alas-4 sa Pasig Sports Center.

Upang mas mailapit ng PBL ang kanilang sarili sa mga tao, kanilang kinuha ang serbisyo ng National Broadcasting Network at ang Solar Sports Channel 29 bilang official TV carrier ng mga laro ng PBL ngayong kumperensiya.

Ang main game sa pagitan ng Welcoat at Montana ay isasa-ere ng delayed sa NBN ngayong alas-10 ng gabi, habang ang nasabing

dalawang laro ay ipalalabas naman sa Solar Sports mula alas-2-6 ng gabi.

Ang Welcoat at Viva ay wala pa ring naipoposteng panalo makaraan ang tatlong games at sa kanilang paghaharap, umaasa sila sa isa’t isa na makapasok na sa win column.

vuukle comment

ANG WELCOAT

CHALLENGE CUP

MONTANA JEWELS

NATIONAL BROADCASTING NETWORK

PASIG SPORTS CENTER

PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

SOLAR SPORTS

SOLAR SPORTS CHANNEL

UNITY CUP

VIVA MINERAL WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with