^

PSN Palaro

Tondo rumatsada sa MYG

-
Maagang ipinakita ng Tondo ang kanilang supremidad nang humakot agad ng unang dalawang gintong medalya sa pagbubukas ng hostilidad kahapon ng Juvenile Standard and Juvenile Latin category ng dance-sports event ng 2nd Manila Youth Games na ginaganap sa San Andres Gym sa San Andres, Manila.

Kinubra ng 9-anyos na duo nina Kevin James Miranda at Camille Angue ng Bario Obrero, Tondo at kapwa incoming Grade III pupil sa Bo. Obrero Elementary School ang nasabing ginto makaraang talunin ang pareha nina Adrian Lester Geri-sola at Grisley Angue sa nasabing events ang una sa dalawang gintong medalyang nakataya sa nasabing kompetisyon.

At sa Youth Standard and Latin category, dinuplika ng pareha nina William Bernardino at 1st Batang Pinoy gold medalist Cynthia Tajon ang tagumpay nina Miranda at Angue makaraang manguna sa nasabing kategorya.

Sa badminton event, bagamat inilagay sa mas mataas na antas na age group level, nananatiling paborito pa rin ang top three finishers sa girls division ang girls, singles event makaraang magwagi sa kani-kanilang kalaban.

Tinalo ng 12-anyos at silver medalist noong nakaraang Batang Pinoy na ginanap sa Puerto Princesa City at runner-up sa nakaraang MYG na si Janina Marie Paredes na kumatawan sa Paredes Team si Arriane Mendiola ng Legarda Elementary School, 11-0, 11-0 upang umusad sa round of 32 ng girls 15-and-under singles event.

Makakasama ni Paredes sa second round si Angelica de Guzman na tumapos ng second runner up noong nakaraang taong edisyon makaraang patalsikin si Ronalyn Pilapil ng District III, 11-0, 11-0.

Hindi naman kinaila-ngang pagpawisan ng 1st MYG badminton champion sa girls singles na si Karyn Velez nang di sumipot ang kanyang kalaban na si Sunshine Agbayani ng YDWB.

ADRIAN LESTER GERI

ARRIANE MENDIOLA

BARIO OBRERO

BATANG PINOY

CAMILLE ANGUE

CYNTHIA TAJON

GRISLEY ANGUE

JANINA MARIE PAREDES

JUVENILE STANDARD AND JUVENILE LATIN

KARYN VELEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with