Nakipagsabayan ang 24-anyos southpaw ng ngipin-sa-ngipin sa hard-hitting Bulgarian sa apat na makapigil hiningang rounds kung saan ipinakita niya na mas lamang ang kanyang performance sa lahat ng aspeto na nag-angat ng kanyang reputasyon bilang world-beater at top prospect para sa susunod na taong Olympic Games sa Greece.
Ang mahigpitang 28-26 panalo ay isang malaking sorpresa sa finals na kinukunsiderang ang nasabing desisyon ay kontra sa Russian at Bulgarian bloc sa buong isang linggong tournament.
At ang panalo ni Payla ay isa lamang sa dalawang nakawala mula sa mga kamay ng Russians at Bulgarians sa 10-weight classes na kani-lang sinalihan.
Nakuntento lamang ang dating youth standout na si Junard Ladon sa silver medal sa featherweight class at bronze lang ang nakayanang iuwi ng bantam na si Ferdie Gamo sa anim kataong-team na ipinadala dito ng ABAP na may suporta mula sa Philippine Sports Commission, Revicon at Pacific Heights.
Nabigo ang 22-anyos na si Ladon sa Finlands reigning national champion na si Jussi Koivula, 16-31.