^

PSN Palaro

Gold nakuha ni Payla

-
HELSINKI -- Panibagong impresibong performance ang muling ipinakita ng RP Revicon’s na si Violito Payla noong Linggo upang talunin ang Bulgarian na si Aleksander Vladimirov at mapanatili ang kanyang flyweight title sa 22nd Gee Bee Turnaus International Boxing Championship sa Helsinki Sports Hall dito.

Nakipagsabayan ang 24-anyos southpaw ng ngipin-sa-ngipin sa hard-hitting Bulgarian sa apat na makapigil hiningang rounds kung saan ipinakita niya na mas lamang ang kanyang performance sa lahat ng aspeto na nag-angat ng kanyang reputasyon bilang world-beater at top prospect para sa susunod na taong Olympic Games sa Greece.

Ang mahigpitang 28-26 panalo ay isang malaking sorpresa sa finals na kinukunsiderang ang nasabing desisyon ay kontra sa Russian at Bulgarian bloc sa buong isang linggong tournament.

At ang panalo ni Payla ay isa lamang sa dalawang nakawala mula sa mga kamay ng Russians at Bulgarians sa 10-weight classes na kani-lang sinalihan.

Nakuntento lamang ang dating youth standout na si Junard Ladon sa silver medal sa featherweight class at bronze lang ang nakayanang iuwi ng bantam na si Ferdie Gamo sa anim kataong-team na ipinadala dito ng ABAP na may suporta mula sa Philippine Sports Commission, Revicon at Pacific Heights.

Nabigo ang 22-anyos na si Ladon sa Finland’s reigning national champion na si Jussi Koivula, 16-31.

ALEKSANDER VLADIMIROV

FERDIE GAMO

GEE BEE TURNAUS INTERNATIONAL BOXING CHAMPIONSHIP

HELSINKI SPORTS HALL

JUNARD LADON

JUSSI KOIVULA

OLYMPIC GAMES

PACIFIC HEIGHTS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

REVICON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with