Makaraan ang mahigpi-tang bakbakan, taas noong iginupo ng mga Cebuana ang tambalang mula sa Duma-guete City, 17-21, 21-19, 16-14 para sa kanilang kauna-unahang titulo.
Nakausad sa finals ang SWU makaraang daigin sina Marciel Gitgit at Melanie Mariaca ng University of San Carlos, 21-12, 21-15 sa loob ng 32 minutos ng laban, habang pinayuko naman ng Foundation U ang tambalang Jennifer Bohawe at Leilani Altovar, 21-18, 21-15.
Kasalukuyang naglalaban ang Foundation University at San Sebastian College para sa mens finals, habang sisnusulat ang balitang ito.
Mula sa 12-10 kalamangan ng Foundation, naging kalaban nila ang net nang agad makabalik ang dalawang Cebuana at itala ang 13 iskor pagtatabla kung saan race to 15 lamang ang labanan.
Nagawang kunin ang FU ang 14 13- kalamangan ngunit hindi nakumpleto ang match point nang ma-out ang bola para sa SWU.
Dito naging matinik si Ponte at makaraang muling itabla ang iskor sa 14-all nagawa nitong maka-abante sa 15-14 at makuha ang match point 16-14 para sa kanilang korona.