Mahigit 8,000 atleta na may edad na 15-gulang pababa ang magtitipon-tipon sa Rizal memorial Track Stadium upang makibahagi sa opening ceremonies ng MYG, isang programang nag-lalayong makadiskubre ng future sports heroes.
Dadalo ang mga pa-ngunahing sports officials ng bansa, city hall luminaries at kinatawan ng 897 barangays at 130 private at public schools mula sa Manila para sa alas-3:00 ng hapong openng ceremonies.
Panauhing pandangal si Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain.
"It is one sports program that caters to the youth and we are pleased that such events are being undertaken by a local government unit." pahayag ni Buhain.
May 14 events ang paglalabanan sa Pala-rong kung saan si Manila Mayor Lito Atienza ang magdedeklara ng pormal na pagbubukas ng torneo.
Tampok sa pambungad na programa ang cheering competition at acrobatic show at magkakaroon din ng fireworks display pagkatapos ng programa.