^

PSN Palaro

MYG ngayon na

-
Pagtutuunan ng pansin ang kabataang ngayon sa pagbubukas ng 2nd Manila Youth Games sa makasaysayang sports complex na matagal nang naghihintay ng aksiyon at kompetisyon.

Mahigit 8,000 atleta na may edad na 15-gulang pababa ang magtitipon-tipon sa Rizal memorial Track Stadium upang makibahagi sa opening ceremonies ng MYG, isang programang nag-lalayong makadiskubre ng future sports heroes.

Dadalo ang mga pa-ngunahing sports officials ng bansa, city hall luminaries at kinatawan ng 897 barangays at 130 private at public schools mula sa Manila para sa alas-3:00 ng hapong openng ceremonies.

Panauhing pandangal si Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain.

"It is one sports program that caters to the youth and we are pleased that such events are being undertaken by a local government unit." pahayag ni Buhain.

May 14 events ang paglalabanan sa Pala-rong kung saan si Manila Mayor Lito Atienza ang magdedeklara ng pormal na pagbubukas ng torneo.

Tampok sa pambungad na programa ang cheering competition at acrobatic show at magkakaroon din ng fireworks display pagkatapos ng programa.

BUHAIN

DADALO

MAHIGIT

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILA YOUTH GAMES

PAGTUTUUNAN

PANAUHING

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION CHAIRMAN ERIC BUHAIN

RIZAL

TRACK STADIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with