^

PSN Palaro

Top sports officials guest sa MYG

-
Inimbitahan ang mga top sports officials ng bansa na dumalo sa makulay na opening ceremony ng 2nd Manila Youth (MY) Games sa Rizal Memorial Track Stadium bukas (Linggo).

Pangungunahan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Celso Dayrit ang mga opisyales ng iba’t ibang national sports association na inaasahang makakasama ni Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain na siyang panauhing pandangal at keynote speaker sa inaugural rites.

Sinabi ni Arnold ‘Ali’ Atienza, chairman ng organizing Manila Sports Council (MASCO) na si Manila Mayor Lito Atienza ang siyang magdedeklara ng pagbubukas ng nasabing meet na dadaluhan naman ng mga city hall luminaries at kinatawan mula sa 897 barangays at anim na congressional districts ng bansa.

Inaasahang aabot sa P8,000 kabataang atleta na may edad 15 pababa mula sa buong bansa sa big city ang lalahok sa inagurasyon na tatampukan ng cheering competition, acrobatic show, skydiving exhibition at fireworks display na sasamahan ng ilang kantahan at sayawan.

Pararangalan rin ng Manila ang mga sports great sa pangunguna ng yumaong Manila Mayor Arsenio Lacson ng football, bowling’s Bong Coo, equestrianne Mikee Cojuangco-Jaworski, Francisco Calilan at Engracio Arazas ng basketball, Teofilo Sta. Rosa ng baseball, Martin Gison para sa shooting at Grandmaster Joey Antonio ng chess.

Tampok sa isang linggong kompetisyon ang badminton, dancesports, softball, baseball, table tennis at lawn tennis na magsisimula sa Lunes, habang ang aksiyon sa football, swimming at volleyball ay paglalabanan naman sa Martes sa Rizal Memorial Sports Complex.

BONG COO

CELSO DAYRIT

ENGRACIO ARAZAS

FRANCISCO CALILAN

GRANDMASTER JOEY ANTONIO

MANILA MAYOR ARSENIO LACSON

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILA SPORTS COUNCIL

MANILA YOUTH

MARTIN GISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with