NCR division nais solohin ng John-O
April 5, 2003 | 12:00am
Tangka ng John-O ang solong liderato sa NCR division sa kanilang pakikipagharap sa Viva Mineral Water ngayon sa Sunkist-PBL 2003 Unity Cup na dadako sa San Juan gym.
Nakatakdang sagu-pain ng John-O ang Water Force sa unang laro, alas-2:00 ng hapon na susundan naman ng engkwentro ng Nutri-licious at LBC-Batangas sa alas-4:00.
Ang nakaraang 103-84 panalo ng John-O kontra sa Nutri-licious noong Huwebes ang nagluklok sa kanila sa pakikipag-sosyo sa ICTSI sa NCR group na parehong may 2-1 record.
Wala pang panalo ang Viva na sumadsad sa kanilang unang dalawang laro at itoy malaking bentahe para sa Juzzers.
Ang LBC-Batangas ay may 1-1 record kasunod ang Nutri-licious na may 1-2 sa likod ng Blu Star, 2-1 sa Luzon Group.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest