Una na rito, ang paghahabol nina Marlou Aquino at Kenneth Du-remdes sa career achievement na 5,000 points.
Isang puntos na lamang ang kailangan ni Aquino para makasama sa 5,000 point club matapos na uniskor ito ng 14 puntos habang 11 puntos ang layo ni Duremdes na siya namang nanguna sa team sa kanyang tinapos na 29 puntos.
Sa katunayan, naabot na sana ni Aquino ang achievement na ito kung tinawagan ng goal tending si Ronald Tubid ng Shell para ma-count ang kanyang basket.
Gayun na lamang ang panghihinayang ng lahat lalo na ng kanyang mga kasamahan na panay ang bigay sa kanya ng bola para maging ika-47th miyembro ng naturang elite club.
Isa pang motibasyon ng Realtors ay ang ayaw mapahiya sa Shell na lumasap ng kanilang ika-pitong sunod na talo sa 8 laro na lalong nagbaon sa kanilang sa kulelat na puwesto sa Group B.
"Shell has nothing to lose in this game," pahayag ni coach Alfrancis Chua. "I hate to lose this game kaya sabi ko sa mga players ko, we have to work as a team and everybody stepped up their game."
Nagtulong sina Duremdes at Chris Tan sa ikaapat na quarter upang sapawan ang eksplosibong laro ni Tubid na umiskor ng 10 puntos sa kanyang tinapos na 12. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)