^

PSN Palaro

FedEx nalasing sa Ginebra

-
Nakabangon ang Barangay Ginebra mula sa sunod-sunod na kabiguan nang kanilang pigilan ang winning streak ng FedEx Express sa pamamagitan ng 101-81 panalo sa Samsung-PBA All-Filipino Cup sa Araneta Coliseum.

Natapos na rin sa wakas ang kamalasan ng Gin Kings nang kanilang supilin ang four-game winning streak ng Express at iangat ang kani-lang record sa 3-4 panalo-talo.

Eksplosibong laro ang ipinamalas ni Eric Menk na tumapos ng 38 puntos bukod pa sa kanyang 17 rebounds at dalawang assists. Siya ay 100% din sa freethrows sa kanyang 8-for-8 shooting.

Natapos naman ang winning streak ng FedEx sa apat na sunod na panalo makaraang malasap ang kanilang ikatlong kabiguan matapos ang pitong pakikipaglaban.

Sa pamamagitan ng epektibong fastbreaks ng Gin Kings, maagang na-kontrol ng Ginebra ang laro upang kunin ang 48-33 iskor sa halftime.

Pinalaki ng Ginebra ang kanilang kalamangan sa 25 puntos, 99-74 nang umiskor si Mark Caguioa ng magkasunod na basket upang tapusin ang 9-3 produksiyon.

Katulong ni Menk sa pananalasa si Caguiao na nagsumite ng 24 puntos para sa Gin Kings.

Hindi naman naka-arangkada si Vergel Meneses na palaging double-digit scorer sa Express nang kumana la-mang ito ng kabuuang 8 puntos habang ang pinakamataas ay si Ren Ren Ritualo na may 14 puntos.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang defending champion Coca-Cola Tigers (4-2) at Alaska Aces (4-3) sa main game.

ALASKA ACES

ALL-FILIPINO CUP

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

COCA-COLA TIGERS

ERIC MENK

GIN KINGS

GINEBRA

MARK CAGUIOA

NATAPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with