Baguio City paborito ng mga siklista
March 28, 2003 | 12:00am
Paborito ang Baguio City, maging ang Laguna at Quezon province na pinagsasanayan ng 84 riders na makikipag-karera sa Tour Pilipinas 2003.
Lahat ng coach ng 12 kopo-nan ay itinira na ang kanilang mga siklista para sa paghahanda sa pagpadyak ng karera sa Abril 26 hanggang Mayo 11, ayon kay dating tour champion Paquito Rivas.
"Lahat sila sama-sama ng nagti-training," ani Rivas, pinuno ng race management group Philippine National Cycling Association (PNCA). "Pero ang paborito nila ay sa Baguio City."
Ang lahat ng kalsada patungo sa summer capital ng bansa ay akmang-akma na training rounds para sa mga siklista kung saan naroroon ang Kennon at Naguillian road na pinakamapaghamong, ruta. Sa katunayan, ang doninasyon para sa pinakamahirap na yugto sa pagtahak ng mga siklista sa back-breaking 160 km. 14th stage na kilalang "Killer Baguio stage" sa Mayo 8. Ang naturang yugto ay binubuo ng dalawang akyatan sa City of Pines na may taas na 5,000 feet above sea level.
Iniulat din ni Rivas na ang lahat ng kalsada na tatahakin ng mga siklista ay nasa maa-yos na kondisyon, matapos ang kanilang pinal na pagsu-survey sa mga naturang daan na kasama sa ruta.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended