Nakatakda ang nasabing laro sa Marso 29 sa Cebu City Coliseum.
Makakaharap ng SMC South All-Stars ang selection mula sa host city na binubuo ng mga manlalaro na pawang galing sa commercial league dito.
Ang koponan ay binubuo nina ex-pros Bonel Balingit, Zaldy Realubit, Jay Mendoza, Mike Mustre, Noynoy Falcasantos, Tony Boy Espinosa, Ricric Marata, Lowell Briones, Dondon Ampalayo, Al Solis, Elmer Cabahug at Bernard Fabiosa.
Ang koponan ay gigiyahan ni coach Eric Altamirano at siya ay sasamahan ni SMC vice-president Ira Maniquis.
Maglalaban ang Thunder at Phone Pals sa alas-5 ng hapon.
Ang SMC South All-Stars ang isa sa dalawang koponan na binuo ng higanteng food and beverage conglomerate bilang marketing tool upang palawakin ang kaalaman ng kanilang ibat ibang produkto.
Ang North All-Stars ay pinamumunuan nina Hector Calma at Chito Loyzaga.