Paghahanda sa Vietnam SEAG tatalakayin sa POC General Assembly
March 26, 2003 | 12:00am
Ang paghahanda para sa nalalapit na pagsabak sa 22nd Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ang pagtutuunan ng pansin sa General Assembly ng Philippine Olympic Committee ngayong alas-12:00 ng tanghali sa Milky Way Restaurant sa Makati City.
Inaasahang mapapag-usapan din ang preparasyon ng bansa para sa pagho-host ng 2005 SEA Games sa meeting ngayon.
Isa-isa nang pinulong ng POC ang ibat-ibang National Sports Associations (NSAs) ngunit kailangan pa ring ma-update ang POC sa kalagayan ng kanilang mga atleta.
Kailangang alamin ng POC kung ano pa ang dapat gawin at kung ano pa ang kailangan ng mga atleta na naghahanda para sa Vietnam Games.
Magiging mainit na isyu sa 2005 SEAG hosting kung saan gaganapin ang Palaro dahil maraming lalawigan ang nais mag-host tulad ng Pampanga, Bacolod, Cebu, Naga, Lanao del Norte at ang Manila.
Nais naman ni Ali Atienza, chairman ng Manila Sports Council (MASCO) na dito sa Maynila ganapin ang opening at closing ceremonies ng 2005 SEA Games bilang capital city ng bansa.
Posible ring talakayin ang charter change, na kinukuwestiyon ni Buddy Andrada ng tennis association, kung ano ang tunay na kaibahan ng kapangyarihan ng general assembly at ng executive council.
"The General Assembly will also tackle the activities regarding the countrys hosting of the 2005 SEA Games," pahayag ni Nestor Ilagan ng rowing. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended