Welcoat hiniya ang John-O
March 26, 2003 | 12:00am
Maagang humataw ang John-O Juzz nang kanilang samantalahin ang pagkawala ng key players ng multi-titled Welcoat para sa 67-56 panalo sa pagpapatuloy ng Sunkist PBL Unity Cup sa Makati Coliseum.
Pinangunahan nina Ricky Calimag at Yancy de Ocampo ang panana-lasa ng Juzzers sa paghakot ng pinagsamang 32-puntos tungo sa buwenamanong panalo ng kanilang tropa.
Tumapos si De Ocampo ng 15-puntos, 12 nito ay sa first half sa likod ni Calimag na nagsumite ng 17-puntos upang diskarilin ang Paint Masters sa kanilang debut game sa kumperen-siyang ito.
Nawala ang dating lakas ng Paint Masters dahil sa pag-akyat sa professional league ng kani-lang mga pambatong players na sina Romel Adducul, Ronald Tubid at Eddie Laure.
Binuksan ng John-O ang laban sa pamamagitan ng 20-9 kalamangan sa pagtatapos ng unang quarter at higit pa nilang pinalaki ang kalamangan sa ikalawang canto upang kunin ang 38-18 kalamangan sa pagsasara ng first half.
Sa tulong ni Calimag, umabante ang Juzzers ng hanggang 25-puntos, 34-9 sa ikalawang quarter na kanilang naging puhunan patungo sa ikalawang bahagi ng labanan.
Lumakas ang Welcoat sa ikaapat na quarter sa paghakot ng 25-puntos ngunit kapos ang kanilang isinagawang opensiba.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended