^

PSN Palaro

Saludo kami sa'yo Mr. Bert Lina

SPORTS LANG... - Dina Marie Villena -
Maganda ang balak ng organizer ng Tour Pilipinas 2003 na bigyan ng drug tests ang lahat ng siklistang kasali sa pagpadyak ng summer bikathon sa Abril 26.

Kailangan talaga ‘yun, lalo na nga’t tatahakin ng mga siklista ang mahihirap at bulubunduking ruta ng karera.

Siyempre, lalo na nga’t nagkaroon ng konting bahid sa mga basketbolistang sina Asi Taulava at Dorian Peña na may bakas ng marijuana, maraming kabataan ang mag-iisip na sa mga siklista kaya eh walang gumagamit ng ganito?

Hindi nga ba’t sa Amerika mismo ay may mga atletang gumagamit ng ipinagbabawal na steroid? Kaya nga kapag ang atleta ay matibay sa mga sports na kanilang kinabibilangan at malalakas pa kahit tapos na ang event ay marami na ang nagdududa.

So, ganun din sa atin. Kaya nga maganda ang ginawa ng organizer na dumaan sa drug tests ang mga siklista bago magsimula ang event at tuwing matatapos ang isang yugto.

Papasadahan ang mga siklista para mawala ang duda na mayroon sa kanilang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Bagamat sa loob ng sampung taon kong pagkokober ng tour bago ito mawala sa eksena may apat na taon na ang nakakalipas, ay wala naman akong nabalitaang siklista na gumamit ng ipinagbabawal na droga.

At sana hanggang ngayon ay wala nga.
* * *
Saludo din ako sa mga organizer ng Tour dahil sa pag-balikat nila sa buwis na ibabawas sa premyo ng mga magwawaging siklista.

Kasi noon, laging problema ng mga siklista ang malaking porsiyento na tinatanggal sa kanilang premyo dahil sa buwis.

Ngayon, wala na silang po-problemahin dahil sagot na ito ng organizer.

Aaay buti naman. At least yung premyong matatanggap ng mga siklista ay mapapakinabangan nila ng buong-buo.

Saludo kami sa inyo Mr. Bert Lina!

AAAY

ABRIL

ASI TAULAVA

DORIAN PE

KAYA

MR. BERT LINA

SALUDO

SIKLISTA

TOUR PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with