Desisyon sa replay ng TNT at Ginebra wala pa
March 25, 2003 | 12:00am
Wala pa ring ibinabang desisyon si PBA commissioner Noli Eala tungkol sa protesta ng Talk N Text tungkol sa naging desisyon ng referees na huwag i-counted ang huling tira ni Asi Taulava na nagdala sa Ginebra sa 122-117 panalo sa double overtime game ng Samsung-PBA All-Filipino Cup noong Marso 21.
"Ill give my decision tomorrow (ngayon). As of now Im still evaluating the situation," ani Eala nang makausap namin sa telepono kagabi.
Si Eala ay panauhin sa PSA Sports Forum ngayong alas-10 ng umaga sa Manila Pavillion Hotel.
Kahapon, kinausap ni Eala ang mga opisyal ng Talk N Text at pinanood din nila ang tape ng laro upang mapag-aralan kung may basehan ang protesta ng Phone Pals.
Umaasa ang Talk N Text management na mabibigyan ng hustisya ang kanilang protesta matapos na mapanood nila sa tape na may oras pang nalalabi nang ikunekta ni Asi Taulava ang kanyang tira sa unang overtime na nagdala sana sa Phone Pals sa panalo, na binalewala ng tatlong referees na sina Wilbert Culanag, Joey Calung-cagin at Boy Cruz.
At inaasahan na ire-replay ang bakbakan sa pagitan ng Ginebra at Phone Pals dahil hindi naman puwedeng baligtarin ang pagwawagi na iyon ng Ginebra makaraan ang ikalawang overtime.
"We will support whatever the decision the Commissioner will make," tanging pahayag naman ni Ira Maniquis, team manager ng Barangay Ginebra.
Inaasahan din na papatawan ng parusa ang mga referees na tumakbo sa larong iyon upang magsilbing leksiyon para sa mga susunod na referees.(Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended