Dela Cruz, Erespe nanalo sa 10K division

Naghati sina Rio De La Cruz at Joan Erespe sa karangalan nang pagwagian nila ang men’s at women’s 10K division ng Philippine Cerebral Palsy Inc. Love Run sa Quirino Grandstand.

Tinapos ng 20 anyos na si De La Cruz ang 10K race sa bilis na 31 minuto at 45 segundo para pagharian ang men’s division habang naorasan naman ang 21 anyos na si Erespe ng 38 minutes at 11 segundo para dominahin ang kababaihan sa karerang suportado ng Fe S. Panlilio Jewelers , Department of Tourism, Philippine Basketball League, Crystal Spring, Blu Star Detergents, Blue Cross at Welcoat Paints para sa bene-pisyo ng mga pasyenteng may cerebral palsy.

Show comments