^

PSN Palaro

84 siklista sa Tour Pilipinas sasailalim sa drug test

-
Lahat ng 84 riders na kasali sa Tour Pilipinas 2003, ang pagbabalik ng pamosong multi-staged cycling marathon ngayong summer, ay sasailalim sa compulsary drug testing, ito ang inihayag ni tour chairman Bert Lina.

Ang tests ay gagawin sa kaagahan ng susunod na buwan, dagdag pa ni Lina at ito ay isasagawa ng mga reputable at accredited drug-testing company na kanilang kokontratahin.

Ang paghahayag ng drug testing requirements ay kasabay ng pagsasagawa ng final route survey ng mga opisyal ng race management group, ang Philippine National Cycling Association, na dating Professional Cycling Association of the Philippines.

Sina PNCA president Paquito Rivas at executive vice-president Art Cayabyab ang namumuno sa team masusing pinag-aralan ang bawat liko, at road condition ng ruta na kinapapalooban ng halos 16 na probinsiya sa Luzon.

"We would want to conduct a race that is drug-free," ani Lina. " The tests will show that the Tour toes the line as regards to the campaign against banned drugs and substances and this is our contribution to the nationwide effort to rid the sports community of drug users."

Ang mga siklista ay kasalukuyang nasa magkakahiwalay na lugar ng probinsiya ngunit karamihan ay nasa Benguet lalo na sa Baguio City na nasa kanilang mahigpit na paghahanda sa Tour na magsisimula sa Abril 26 sa Sorsogon.

Ipinaliwanag ni Lina na ang drug tests ay isasagawa bago ang karera at sa mismong karera din. "But tests during the race would be staged on a random basis," paliwanag pa ni Lina.

ABRIL

ART CAYABYAB

BAGUIO CITY

BENGUET

BERT LINA

DRUG

PAQUITO RIVAS

PHILIPPINE NATIONAL CYCLING ASSOCIATION

PROFESSIONAL CYCLING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

TOUR PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with