Nagtulong-tulong sina Danny Aying, Arnold Rodriguez at Ramil Ferma nang biguin ng Jewelers ang Shineway, 109-88 habang sumandal naman ang Nathaniel Tac Padillas Cooking Oil Masters kina Rolly Menor, Rodel Manuel, Edwin Pimentel at Tyrone Bautista para igupo ang Taguig 83-76.
Lilipat ang aksiyon ngayon sa Cebu City kung saan maghaharap ang Wang at Taguig sa alas-4 ng hapon habang makakalaban naman ng Spring ang Shineway sa alas-5:30 ng hapon at makikipagtipan ang Lhuillier sa Pampanga sa alas-7 ng gabi.