Nanalasa para sa koponan ni Nathaniel Tac Padilla na Cooking Oil Masters ang mga bagong recruits na sina Francis Sanz at Rolly Menor katulong ang beteranong si Tyrone Bautista nang magpasabog ng 25 puntos sa third canto upang kunin ang 68-63 kalamangan na hindi na nila binitiwan pa.
Patuloy ang panguguna ng Shineway sa standing matapos na iposte ang 6-1 kartada, sumunod ang Cebus Lhuillier (5-2), Spring (3-4), Taguig ( 3-4), UA (2-5) at Wangs (0-7).
Ang kompetisyon ay lilipat sa Linggo sa Cebu Coliseum na mayroong triplebill kung saan mag-haharap ang Taguig at Wangs sa alas-4 ng hapon, titipanin ng Spring ang Shineway sa alas-5:30 at magbabakbakan naman ang Lhuillier at UA sa alas-7 ng gabi.