^

PSN Palaro

FedEx umiskor uli

-
Muli namang gumana ang mga kamay ng beteranong si Vergel Meneses upang isulong ang FedEx Express sa 98-92 tagumpay kontra sa Shell Velocity sa pagpapatuloy ng Samsung PBA All-Filipino Cup eliminations sa Phil-Sports Arena kagabi.

Muling humataw si Meneses, ang reigning Player of the Week, sa paghakot ng 30-puntos, 12 nito ay sa dikdikang ikaapat na quarter upang ihatid sa ikatlong sunod na panalo ang Express matapos mabigo sa kanilang unang dalawang asignatura.

Nasayang lamang ang hinakot na 18-puntos ni rookie Ronald Tubid, ang season high para sa isang quarter, sa kanyang pagsisikap na maisalba ang Turbo Chargers, ngunit kinulang ito ng suporta mula sa kanyang mga kasamahan sanhi ng ika-apat na sunod na pagkatalo ng Shell matapos manalo sa kanilang unang asignatura.

"He’s (Meneses) making wonders for this team right now," wika ni FedEx coach Derrick Pumaren sa tinaguriang ‘Areal Voyager’ na nakabawi na sa kanyang mahinang performance sa simula ng season. Katulong ni Meneses ay ang kanyang kapwa beteranong si Jerry Codiñera na tumapos ng 18-puntos, 12 nito ay sa unang canto.

Impresibong performance din ang ipinakita ng bagitong si Eddie Laure para sa Shell sa kanyang tinapos na 27-puntos, 16 sa ikatlong quarter at 11 sa unang canto ngunit kinapos naman ng gasolina ang Shell sa ikaapat na period.

Pinangunahan ni Meneses ang mainit na 13-5 run para sa 91-84 pangunguna ng Express, patungo sa huling 2:40 oras ng labanan.

Si Meneses ay 10-of-20 sa field goal, 10-of-13 sa free throws bukod pa sa walong assists at isang rebound sa 38 minutong paglalaro.

Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nagla-laban ang Group A leader Alaska (4-1) at San Miguel Beer (2-2) bilang main game kagabi.(Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ALL-FILIPINO CUP

AREAL VOYAGER

CARMELA V

DERRICK PUMAREN

EDDIE LAURE

GROUP A

JERRY CODI

MENESES

PHIL-SPORTS ARENA

PLAYER OF THE WEEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with