^

PSN Palaro

RFM susuportahan ang PBL

-
Ang Philippine Basketball League ang unang major beneficiary ng kampanya ng RFM na maabot ang sector ng kabataan.

Nakipagkasundo ang RFM sa mga opisyal ng 20-taong liga para maging sponsor ng kanilang season opening tournament.

Kikilalanin bilang Sunkist-PBL Unity Cup na tatagal ng tatlong buwan at magsisimula sa Linggo sa pamamagitan ng makulay sa seremonya sa Makati Coliseum na siyang highlight ng selebrasyon ng liga ng ika-20-taon.

"This is our way of supporting the PBL in our capacity to help the kids and the youth to develop their talents," sabi ni RFM President at Corporate Executive Officer Joey Con-cepcion III na panauhin kaha-pon sa lingguhang PSA Forum sa Holiday Inn, Manila Pavillion.

Kasama ni Concepcion sa public sports program na suportado ng Red Bull, Agfa Colors at Pioneer Insurance sina RFM consultant Elmer Yanga, PBL Commissioner Chino Trinidad, league chairman Dioceldo Sy at Bobong Velez, na magsisilbing bagong marketing partner ng PBL.

Bilang founding member ng Philippine Amateur Basketball League, nagbalik sa PBL ang RFM sa pamamagitan ng Sunkist team na binubuo ng core ng University of the East Ball Club.

Sa pagkakataong ito, nagdesisyon ang RFM na tulungan ang PBL sa kanilang programa para sa kabataan.

"It ís actually better to sponsor the league than to maintain a team because you’ll no longer get worried whether your winning or not," ani Concepcion, na naging chairman ng liga ng 12-taon.

"Besides, the PBL has a lot of promise," dagdag pa ni Concepcion ukol sa PBL na pinagmulan ng malalaking professional basketball stars.

Malugod na tinanggap ni Trinidad ang pagpasok ng RFM na lalong nagpalakas ng PBL lalo pa’t maraming players ang nawala na umakyat sa Philippine Basketball Association.

"Taun-taon naman nata-tanggalan tayo ng mga players, pero taun-taon din, may mga dumarating," wika ni Trinidad na ibinigay na halim-bawa sina Ranidel de Ocam-po, James Yap, Paul Artadi, Jun Simon, Mark Cardona, Irvin Sotto, Tristan Codamon at Eric dela Cuesta na siyang may mga potensiyal sa taong ito.

Dahil sa mga talentong, nahikayat ang RFM na supor-tahan ang PBL ayon kay Concepcion na gumagastos ng P60 milyon para sa kanilang professional ball club sa PBA.

"Just imagine if you put half of that amount (P60 million) to help support the youth and the grassroots development, di mas marami ang matutu-lungan," aniya.

"The more and more we get the private sector to get involve, the good for Philippine sports."

Sinabi naman ni Yanga na plano ng RFM na tumulong sa iba pang sport ngunit sa kasa-lukuyan ay mayroon pang Selecta Moo Basketball Camps For Kids, Selecta Moo/Xavier Basketball Academy Camp, Selecta Moo/ Hoops School Camp pinanganga-siwaan nina seven-time PBA Best Import Bobby Parks/Charlie Favis, at Selecta Moo/PBL Mini Midget Tournament at ang Youth Basketball Championship.

AGFA COLORS

ANG PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

BASKETBALL

BEST IMPORT BOBBY PARKS

BOBONG VELEZ

CONCEPCION

PBL

RFM

SELECTA MOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with