Mayroon ding 300 kaba-taan na may edad na siyam hanggang 14 gulang ang makakasama ng apat na PBL teams, ang Nutrilicious, Viva Mineral Water, John-O at LBC-Batangas Blades--upang matuto ng basics ng basketball clinics sa alas-12:00 ng tang-hali hanggang alas-8:00 ng gabi.
Ang isang oras na video ay magpapakita ng pinagmulan ng premiere amateur league noong 1983, ang ibat ibang stars na nagpasikat sa PBL at kung paano lumaki ang isang maliit na liga para maging respetableng amateur basketball organization.
Inaasahang dadalo rin ang mga dati at kasalukuyang PBL stars, basketball legends at sports officials na naging bahagi ng PBA.
Sa kauna-unahang pagka-kataon, ang mga personalidad na ito gayundin ang mga PBL fans at supporters ay maaaring balikan ang alaala ng nakaraan.
May tsansa rin ang mga kabataan na matuto ng basketball kasama ang Nutrilicious sa pangunguna ni Irvin Sotto, three-point shooter Ismael Junio, Al Federiso at Michael Vainio mula alas- 12 ng tanghali hanggang alas 2 at ang Viva Mineral Water na kabibilangan nina Mark isip, Don Yabut, Gerard Jones, Dennis Miranda at Warren Ybañez mula alas-2:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.
Magpapatuloy ang clinic kasama ang John O na kabi-bilangan naman nina Ranidel de Ocampo, Ricky Calimag, Mark Macapagal at Celino Cruz sa alas-4:00 hanggang alas-6:00 at sa alas-6:00 hanggang alas-8:00 ay ang Batangas Blades kasama sina Nicole Uy, Paul Reguerra, MC Caceres at Alex Compton.