^

PSN Palaro

Meneses PBA Player of the Week

-
Kung pagkukumparahin ang larawan ng manlalarong ito noon at ng kanyang larawan ngayon, malilito ka.

Dahil mas batang tingnan ngayon di gaya dati. Mas maganda ang kanyang pangangatawan ngayon at mas bumaba ang kanyang timbang.

Sa kasalukuyang Samsung-Philippine Basketball Association All-Filipino Cup, gustong ipagmalaki ni Vergel Meneses ang kanyang bagong porma na muling nagla-gay sa kanya sa limelight. Ngunit nagkaroon ito ng injury sa simula ng season na nagpabagal sa kanya.

"Hindi na ako nakapag-practice a week before the start of the All Filipino kaya medyo slow ‘yung start ko." pahayag ng 6’3 swingman.

"If you notice, I couldn’t start Vergel during our first two games. It’s because he was hurting and he was still working his way back to game shape," sabi naman ni FedEx coach Derrick Pumaren.

Ngunit parang nagbalik sa 90s ang kondisyon ni Meneses kaya naman napili itong Samsung Player of the Week matapos daigin ang mga kasamahang sina Ren Ren Ritualo at Red Bull guard Lordy Tugade.

Tinulungan ni Meneses na makabangon mula sa 0-2 deficit ang FedEx at umangat sa 2-2 kartada para kunin ang naturang citation para sa linggong Marso 10-15.

Nag-average si Meneses ng 19-puntos bawat laro kabilang ang mga krusyal na mga baskets sa 90-86 panalo kontra sa Purefoods. Umiskor ito ng 15 sa kanyang 30 puntos sa second half.

Sa mas malaking upset laban sa Alaska na natapos din sa parehong final score, nagsumite ito ng pitong puntos sa pagkawala ng Express sa ikatlong quarter.

"Simula nung nagka-program ako last year, hindi ko na tinigil, except nung injured ako," sabi ni Meneses.

ALL FILIPINO

DERRICK PUMAREN

LORDY TUGADE

MENESES

NGUNIT

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION ALL-FILIPINO CUP

RED BULL

REN REN RITUALO

SAMSUNG PLAYER OF THE WEEK

VERGEL MENESES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with