Ang iba pang highlights ng nasabing three-day affair ay ang launching ng website ng PBL, MyPBL.Com sa Marso 19 at ang opisyal na paglulunsad ng 2003 Unity Cup at ang unveiling ng 20 greatest Players ng PBL sa Marso 20.
"This is a first in PBL history. PBLs past and present cage stars and personality will be joining us and the PBL fans and supporters in celebrating 20 years of shooting, dribbling and making champions," pahayag ni PBL commissioner Chino Trinidad.
Ang launching ng PBL website ay katatampukan ng MyPBL.Com awards base sa boto ng mga regular website visitors
Si Rommel Adducul ang napiling MVP at Best Center, si Eddie Laure ang Best Forward, si Paul Artadi ang Best Guard at si Mark Cardona naman ang top newcomer.
Kikilalanin din ng PBL ang 20 players na gumawa ng malaking impact sa Philippine Basketball.
Ang 12 honorees ay kinilala na bilang PBL Legacy sa launching ng ika-18 taong liga noong 2000 na kinabibilangan nina Alvin Patrimonio, Benjie Paras, Allan Caidic, Vergel Meneses, Johnny Abarrientos, Danny Ildefonso, Jerry Codiñera, Jun Limpot, Jojo lastimosa, Marlou Aquino, Erick Menk at Sonny Cabatu.
Makakasama nila sina Kenneth Duremdes, Dondon Ampalayo, Renato Agustin, Roger Yap, Yancy de Ocampo, Renren Ritualo, 2002 Challenge Cup MVP Romel Adducul at Welcoat Paints coach Leo Austria na nanalo ng 1984 PBL Ambassadors Cup MVP award.