Kiamco vs Taiwanese sa finals
March 17, 2003 | 12:00am
Tila masuwerte ang taon na ito para kay Warren Kiamco.
Makaraang ang mahabang panahong paghihintay, umiskor ng dalawang sunod na panalo si Kiamco kontra sa kababayang si Francisco Django Bustamante at ibigay sa sarili ang pagkakataong wakasan ang mahigit isang taon na pagkauhaw nang makarating ito sa San Miguel Asian 9-Ball tour kickoff leg final sa Pool Haven.
Pinadapa ng 32 anyos na si Kiamco si Bustamante, 11-9 sa pagpapamalas niya ng kakaibang husay sa sa pagtumbok at maaayos na safety shots, upang makakuha ng tsansa sa titulo at sa $50,000 top prize kontra sa Taiwanese na si Yang Ching-shun.
"Swerte-swerte lang din dito sa laro namin. Gaya ngayon hindi ako naubusan ng swerte," ani Kiamco makaraang igupo si Bustamante at umusad sa kanyang kauna-unahang finals appearance sapul nang makipagtambalan ito kay Efren Bata Reyes sa Kuala Lumpur SEA Games noong 2201.
Dinaig din ni Kiamco si Bustamante sa 10-Ball tourney sa Atlantic City noong Pebrero 17, bagamat 50-50 lang ang kanyang tsansa kontra sa Taiwanese sa finals na lalaruin din kinagabihan.
Si Kiamco, tubong Cebu at No. 8 sa daigdig ay seeded no. 4 sa torneo ay nakipag-ayos sa semifinals kay Bustamante ang igupo nito ang kababayang si Dennis Orcullo, 9-1, sa Round of 16 bago pinayuko si Kuo Po cheng ng Chinese Taipei 9-7 sa quarterfinals.
Sa kabilang dako, si Bustamante naman ay nakarating sa semis nang payukurin niya si Tan Tiong-boon ng Singapore, 9-1 at si Akikumo Toshikawa ng Japan, 9-4.
Naisaayos naman nina Yang at Hsia ang All-Tawainese semis nang patalsikin nila ang Pinoy na sina Lee Van Corteza at Antonio Lining at makarating sa quarterfinals nang dispatsain sina Mukesh Rihani ng India at Surathep Phoochalam ng Thailand, ayon sa pagkakasunod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am