Muling inulit ng 28 anyos na si Hsia ang kanyang Busan Asiad na panalo kay Reyes makaraang daigin ito sa iskor na 9-5.
Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na maagang napatalsik si Reyes sa loob ng makulay niyang career.
Gayunpaman, nanati-ing nakataas ang bandila ng bansa sa dalawang araw na Asian Tour kick-off leg na hatid ng ESPN Star Sports, nang apat na Pinoy ang umabante sa quarterfinal round.
Tinalo ng top seed na si Francisco Django Bustamante ang Indian na si Dharmainder Lilly, 9-2 at isinunod ang Singaporean na si Tan Tiong Boon, 9-1; pinadapa naman ng no. 4 na si Warren Kiamco si Au Chi-wai ng Hong Kong 9-3, at kababayang si Dennis Orcullo, 9-1; pinatalsik naman ni no. 7 Antonio Nikoy Lining ang Vietnamese na si Luong Chi-Dung, 9-3 at Thai Suratep Phoochalam, 9-6; habang iginupo ni Lee Van Corteza si Korean Jeong Younhwa, 9-6 at Indian Mukesh Rihani, 9-3.
Si Lining, nakakasiguro na ng $3,000 prize money tulad nina Busta-mante, Kiamco at Corteza, ay may tsansang ipaghiganti ang mapait na kabiguan ni Reyes sa kanyang pakikipagtag-po kay Hsia sa Final Eight.
"To me, this particular win meant a lot. I would be happier beating Efren Reyes than winning the championships," ani Hsia, na nanatiling player na may perpektong winning record kontra kay Reyes.
Sinabi naman ni Reyes na hindi niya gaanong nakabisa ang bagong tip ng kanyang cue stick na ginamit dahil sa naging abala ito sa Maynila sa shooting ng pelikulang pagsasamahan nila ni Fernando Poe Jr. na pinamagatang "Tumbukin mo, susuntukin ko".