^

PSN Palaro

Thai pinabagsak ni Rubillar, Gorres bagong RP champ

-
Tinanghal na bagong Philippine flyweight Interim champion si Z Gorres habang ipinamalas naman ni WBC International flyweight Juanito Rubillar ang kanyang supremidad sa dalawang supporting bout ng ‘Bakbakan sa Maynila’ kagabi sa Luneta Grandstand.

Nanatiling walang talo si Gorres sa kanyang ika-12th na laban matapos itala ang technical knockout laban kay Roy Balataria.

Itinigil ni referee Ferdinand Estrella ang laban matapos pabagsakin ni Gorres si Balataria makalipas ang 19 segundo ng ikaanim na round.

Pinabagsak din ni Rubillar sa pamamagitan ng technical knockout si Namchai Thaksinesan, 2:09 ang oras sa ikapitong round.

Pinabagsak ni Baby Lorona Jr. ang nakababatang kapatid ni Manny Pacquiao na si Bobby Pacquiao sa kanila ring non-title fight.

Tatlong beses binigyan ng mandatory count si Bobby bago tuluyang ihinto ng referee ang laban makalipas ang 48 segundo sa ikapitong round.

Sa preliminary bout, nagsipanalo sina Jun Paiman, Florante Condes, Jezrell Angel at Peter Cabanay.

Tinalo ni Paiman si Fel Oydoc sa pamamagitan ng unanimous decision sa kanilang 6 rounder 132 lbs.

Isang technical knockout naman ang itinala ni Condes laban kay Sonny Boy Jaro sa kanilang 4 rounder 106 lbs. match at nagtala naman ng split decision si Angel kontra kay Elmer Paganpan sa kanila ring 4th rounder 112 lbs. match.

Binuksan ni Cabanay ang aksiyon sa pama-magitan ng unanimous decision laban kay Jeffrey Cenic sa kanilang 4 rounder 135 lbs. card.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasaluku-yang nakikipagpalitan ng suntok ang IBF super bantamweight champion Manny Pacquiao kontra kay Serikzhan Yeshmangbetov ng Kazakhstan sa isang non-title fight ngunit reputasyon naman ng Pinoy champ ang nakataya. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BABY LORONA JR.

BOBBY PACQUIAO

CARMELA OCHOA

ELMER PAGANPAN

FEL OYDOC

FERDINAND ESTRELLA

FLORANTE CONDES

GORRES

JEFFREY CENIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with