Reputasyon ni Pacquiao ang nakataya
March 15, 2003 | 12:00am
Bagamat hindi nakataya ang International Boxing Federation (IBF) super bantamweight title ni Manny Pacquiao sa nakatakdang 10-round bout kontra Kazakh slugger Serikzhan Yeshmangbetov, gaga-win pa rin ng Pinoy champion ang lahat para igupo ang kanyang kalaban dahil ang nakataya rito ay ang kanyang reputasyon.
Idaraos ang nasabing laban na tinaguriang Bakbakan sa Maynila sa Luneta Park ngayong gabi.
"I know Yeshmangbetov will gain a lot if he beats me," ani Pacquiao na tumimbang ng 126 lbs sa ginanap kahapong opisyal weigh-in sa Games and Amusement Board.
"But I will not allow him to steal the show. This is going to be the Manny Pacquiao and he will be the villain who I will beat when the bell rings," dagdag pa ni Pacquiao na may mabigat na kaliwa at maituturing na siyang pinakamahusay sa 122-pounder sa mundo.
Tumimbang naman si Yeshmangbetov ng 126.5 bigat kung saan nag-predik ito na kanyang tatalunin si Pac-quiao sa third round pa lamang ng laban.
Subalit, tinapatan naman ni Pacquiao ang prediksiyon ng Kazakh fighter at sinabi nitong sa araw mismo ng kanilang laban niya gagawin ang kan-yang banta.
Naidaos ang free-to-the-public 72-round card sa tulong ni Manila Mayor Lito Atienza, First Gentleman Mike Arroyo at promoter Bebot Elorde, habang si Arnold Ali Atienza, dating taekwondo standout at anak ng Manila Mayor ang siyang tumulong kasama ang Manila Sports Council.
Tatayong referee ang beteranong international referee na si Silvestre Abainza sa Pacquiao-Yeshmangbetov encounter. Malalaman ngayong hapon ang pangalan ng tatlo pang mga judges.
Tampok din sa undercard ang walang talong si Z Gorres ng Cebu na makikipaglaban kay Roy Balataria para sa interim Philippine fly crow.
Pag-aagawan naman nina Johnny Lear na may timbang na 118 lbs at Roger Galicia na may bigat na 118 lbs ang bakanteng WBC International bantamweight title.
Magbabasagan naman ng mukha ang nakababatang kapatid ni Manny na si Bobby Pacquiao at Baby Larona Jr., sa 10-round fight para sa korona ng Philippine super feather diadem.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended