^

PSN Palaro

Matindi ang kolehiyalang ito

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Matindi ang basketball fan na ito na isang kolehiyala.

Dahil maganda siya, may mga players din na nababaliw sa kanya.

Maraming misis ng mga players ang ingat na ingat sa kanya.

Balitang-balita na kunwari eh basketball fan lang siya.

Pero ang tutoo, hilig niya ay mga basketball players.

Ilang players na nga ba ang kanyang naka-relasyon, yung iba’y lingid sa kaalaman ng kanilang mga misis?

Di na po mabilang.
* * *
May isang basketball fan na ang libangan ay ang kumuha ng cell numbers o residence phone numbers ng mga players na type niya.

Pagkatapos niyang makuha, tatawag siya sa bahay o sa cell phone at sasabihin niyang isa siyang reporter o writer ng isang magazine.

"Puwede ka bang ma-interview para sa (pangalan ng magazine)," yan ang madalas niyang linya kapag tumatawag na siya.

At kapag may appointment na siya, magugulat na lang si player dahil kapag nakita niya si ‘writer’ maganda pala ito at sexy.

Madalas, hindi interbyuhan ang nangyayari.

Alam nyo na kung ano...

Madalas, hindi makatanggi si player sa palay na lumalapit sa manok...

Ano pa nga ba’t tutuka at tutuka si manok...
* * *
Malaki ang problema ngayon ng isang basketball player.

Matapos siyang mawala sa kanyang MBA team, at hindi naman siya nakarating sa PBA, malaki ang problema niya ngayon sa pera.

Me mga gamit siyang nakuha thru financing at ngayon eh inabot na rin siya ng financial crisis dahil wala naman siyang suweldo.

Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya sa kanyang ari-arian na bago at any moment eh ilitin na ng bangko.

Me nakahandang sumaklolo sa kanya.

Pero dahil born again siya, pinipigil niya ang kanyang sarili.

Hanggang sa ngayon, gumagawa pa rin siya ng paraan.

Humingi na rin siya ng tulong sa kanyang mga magulang na ewan kung ano ang maitutulong sa kanya.

Samantala, naghihintay lang sa isang tabi ang dakilang mayamang bading.
* * *
Personal: Our condelences sa pamilya ni katotong Thessa Jazmines. Ang kanyang dakilang ina ay sumakabilang buhay na. Naiburol sa Loyola Memorial at nailibing na rin nitong nakaraang araw sa San Mateo. Again, our condolences to a dear old friend!

ALAM

LOYOLA MEMORIAL

MADALAS

NIYA

PERO

SAN MATEO

SIYA

THESSA JAZMINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with