7th Beach Volley University: San Jose Recolectos nanalo sa USA

Sinimulan ng tambalang Norvie Labuga at Jerome Capada ng San Jose Recoletos ang kanilang kampanya para mapanatili ang titulo sa pamamagitan ng mainit na simula ng Visayas leg ng 7th Nestea Beach Volley University championships sa Rockwell Center sa Makati.

Tinalo ng tambalang Labuga-Capada ang parehas nina Rey Robles at John Destao ng University of San Agustin, 21-9

Ang iba pang nagwagi sa men’s division kahapon ay ang Southwestern University kontra sa University of San Carlos, 21-15; University of Cebu laban sa Colegio dela Purisima Concepcion, 21-10; University of St. La Salle kontra sa Negros Occ. Recoletos, 21-16; at University of the Visayas kontra sa Iloilo Doctors College, 21-16.

Sa kababaihan, dalawang beses na nagwagi na nagpalakas sa kanilang tsansa ay ang last year’s runner-up Foundation University kontra sa USLS (21-17) at WNC (21-11); San Jose Recoletos laban sa UNOR (21-14) at UV (21-18); at SWU kontra sa UI (21-10) at CPC (21-8). (Ulat ni Dina Marie Villena)

Show comments