Nestea Beach Volley balik-aksiyon

Magbabalik aksiyon ang 7th Nestea Beach Volley University Championships ngayon sa panimula ng dalawang araw na eliminations sa mga maglalabang team mula sa Visayas.

Muling sasandal ang defending champion University of San Jose-Recoletos, kina Norvie Labuga at Jerome Capada sa kanilang panimulang kampanya sa Rockwell Center sa Makati.

May 12 teams mula sa men’s at women’s ang lalahok ngayon para madetermina kung sino ang team na aabante sa semis.

Ang Mindanao elims naman na katatampukan ng walong koponan mula sa dalawang divisions ay magsisimula sa Sabado sa harap ng Power Plant Mall.

Ang finals naman ay sa Abril 6 at 7 sa Boracay kung saan ang magwawagi ay tatanggap ng P100,000 trophy at P50,000 halaga ng sports equipment para sa kanilang kinakatawang paaralan.

Show comments