San Miguel 9-Ball Tour raratsada
March 13, 2003 | 12:00am
Inihayag ng Asias no. 1 sports broadcaster ESPN STAR Sports ang paglulunsad ng San Miguel 9-Ball Tour 2003 na sisimulan sa Singapore sa Marso 15-16 at bibiyahe sa Ho Chi Minh (Abril 12-13), Hong Kong (May 3-4), Taipei (May 24-25) at Manila (June 21-22) para madetermina ang Asias best pool players.
Inorganisa ng ESSs Management Group, ang tour at tatampukan ng Asias top players at may nakahandang $50,000 prize money bawat yugto.
Ang top 10 finishers sa Tour ay makakakuha din ng entry tungo sa World Professional Pool Championships na gaganapin sa Cardiff, Wales sa July.
Ang San Miguel Asian 9-Ball tour ang natatanging pool competition sa Asia na nagbibigay sa mga players ng puntos para makasama sa World Pool Championships, na inaasam ng marami na gagawin sa Asia sa 2004. Ang tour ay pagbabasehan din ng annual ranking ng top players sa Asia.
Pangungunahan ni dating World Pool champion Efren Bata Reyes ang 6-man pool na kinabibilangan din nina World Pool Championship runner-up Francisco Django Bustamante, Lee Van Corteza, Dennis Orcullo, Warren Kiamco at Antonio Nikoy Lining.
Tutungo naman ng Singapore ang kanilang sponsor na si sportsman Aristeo G. Puyat ng Puyat Sports, na tumulong sa ESPN sa pag-organisa ng torneo, para dumalo sa inauguration ng tournament.
"The San Miguel 9-Ball tour combines our expertise in organizing events with our strenght as the leading regional sports broadcaster. 9-ball is a sports where Asians compete at the highest levels in the world, producing more world champions like Efren Bata Reyes, Francisco Django Bustamante, Chao Fong-Pang ang others, ani Richard Young, vice-president ng EMG and Programme Development.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest