^

PSN Palaro

Ligtas ang Tubod kaya tuloy ang Palaro

-
Tiniyak ni Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain na tuloy na tuloy pa rin ang Palarong Pambansa sa Tubod, Lanao del Norte sa Mayo 3-11.

Ito ang kanyang inihayag sa PSA (Philippine Sportswriters Association) Forum kahapon na lingguhang ginaganap sa Manila Pavillion.

Ayon kay Buhain, siniguro ng mga organizers na magiging ligtas sa panganib ang mga partisipante sa likod ng mga naganap na barilan na malapit sa pagdarausan ng Palaro, ang Mindanao Sports and Civic Center.

Ipinaliwanag ni Buhain na hindi naman ganoon kalala ang naganap na insidente kundi napalaki lamang ng media.

"As far as the local government is concerned, they are willing to host and they are confident," ani Buhain. "The incident is 40-50 km away from the venue but I know we have to prioritize the welfare of the students who will participate."

Sinabi pa ng PSC chief na nakipag-ugnayan na ito kay Governor Bobby Dimaporo at sinabi ng Lanao del Norte Representative na tutulong ang mga barangay leaders para mapangalagaan ang kaligta-san ng mga atleta.

Sinabi din ni Dimaporo na makikipagtulungan din ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) para protektahan ang mga partisipante.

"Even the MILF will protect the Palaro according to Rep. Bobby Dimaporo," ani Buhain. "We have to work together to ensure we have balance assessments of the situation leading to the Palaro. We have to make wise decisions." (Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

BOBBY DIMAPORO

BUHAIN

GOVERNOR BOBBY DIMAPORO

LANAO

MANILA PAVILLION

MINDANAO SPORTS AND CIVIC CENTER

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTE REPRESENTATIVE

PALARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with