^

PSN Palaro

Kazakh darating na

-
Ngayong gabi pa lamang nakatakdang dumating sa Manila si Serikzhan Yeshmangbetov, ang Kazakh puncher na makakasagupa ng world champion na si Manny Pacquiao sa Sabado ng gabi matapos na ang kanyang biyahe mula sa Almaty, Kazakhstan ay nakansela sanhi ng mechanical problem na nadiskubre sa KLM jet na siya niya sanang sasakyan.

Darating sana si Yeshmangbetov at ang kanyang chief trainer na si Oleg Kovalchuck ng alas-6:15 kamakalawa ng gabi. Subalit ipinabatid ng kanyang kampo sa promoter na si Bebot Elorde kahapon ng umaga na ang kanilang flight ay nakansela, gayunpaman, ginarantiyahan sila ng upuan para sa susunod na biyahe mula sa Almaty.

Ayon kay Arnold ‘Ali’ Atienza, kung saan ang Manila Sports Council ang siyang nagkoordinasyon para sa City of Manila na idaos ang free-to-the-public show na tinaguriang ‘Bakbakan sa Maynila’ na ang bagong gawang Rajah Sulaiman Plaza sa Malate ang siyang magiging venue ni Pacquiao at ang kanyang kalaban para sa unang face-to-face meeting bukas ng hapon sa alas-3:30.

Binigyan rin ang MASCO ng go-signal ni Manila Mayor Lito Atienza at First Gentleman Mike Arroyo na siguruhin ang lahat upang maging maayos ang pagdaraos ng nasabing boxing fest.

"The Kazakh was itching to plane in to relay to the Filipino fight fans about his prediction," wika ni Ali.

Hindi nakataya sa labang ito ang International Boxing Federation super bantamweight title ni Pacquiao, pero ang kanyang magiging kabiguan ay magkakakaroon ng malaking epekto sa kanyang boxing career lalo na sa Amerika.

Tampok din sa nasabing laban ang bakanteng World Boxing Council International bantam na pag-aagawan nina Rhodel Galicia at Johnny Lear, interim Philippine fly na sagupaan sa pagitan naman ng walang talong Cebuanong si Z Gorres at Roy Balataria at isa pang special atraksiyon na 10-rounder sa paglalaban nina Bobby Pacquiao at Baby Lorona Jr.

vuukle comment

ALI

ALMATY

BABY LORONA JR.

BEBOT ELORDE

BOBBY PACQUIAO

CITY OF MANILA

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JOHNNY LEAR

KAZAKH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with